POPULAR

Ang World’s Biggest Aircraft a.k.a ‘The Flying Bum’ ay Malapit ng Lumipad

The Airlander 10 airship, the world’s largest aircraft

Ito ang tinaguriang World’s Biggest Aircraft.
o tinatawag ding ‘‘the flying bum’.
At malapit na itong lumipad!

Sino nga ba ang mag-aakala na ang tao ay pwedeng makipagsabayan sa mga ulap sa kalangitan?
Sa paglipad?
Naku hindi na lang ang mga ibon ang pwedeng makalipad.
Ang dating imposible para sa tao ay magagawa na nito.
Mula sa unang paglipad ni Abbas Ibn Firnas gamit ang ginawa nitong mga pakpak.
hanggang sa pagkaka-imbento ng mga Wright Brothers at pagpapalipad ng kauna-unahang motorized aircraft,
at sa panahon ngayong naging normal na lamang ang paglipad.
Masasabi nga nating isang amazing marvel ito ng sangkatauhan.

hybridairvehicles

At nagpapaligsahan sa mga bagong modelo, bagong teknolohiya para sa kapakanan ng kaligtasan at katiwasayan sa paglalakbay sa himpapawid.
Kamakailan, inanunsyo na sa taong 2025, ay lilipad na ang pinakamalaking aircraft.
Ang AIRLANDER 10 na may habang 320 ft at pwedeng mag accomodate hanggang 100 na pasahero sa isang sakayan!
Apat na taon na lamang ang hinihintay at pwede na itong bumiyahe sa kalangitan!

Pero bago natin tunghayan ang hybrid aircraft na ito, take note na hindi ito ang iyong typical na passenger aircraft tulad ng Airbus 380  na tinaguriang ‘super jumbo’ na siyang pinakamalaking modelo ngayon na pwedeng makasakay hanggang 850 na pasahero!
Ang Airlander 10 gaya ng sabi ko kanina ay pwede lang mag accomodate ng up to 100 passengers na gustong maka experience ng luxury travel in style sa himpapawid.

Ang hybrid plane na ito ay ginawa ng Hybrid Air Vehicles mula sa bansang United Kingdom.
At kung tatanungin mo, ito’y napaka hightech na eroplano dahil isa itong long-endurance at multi-intelligence vehicle na pwedeng magamit na pang surveillance, academic research, komunikasyon, filming at geological survey missions.
Meron itong auxiliary wing, tail surface at pinapagana ng four diesel engine-driven propellers.

Kung ikukumpara sa karaniwang eroplano, mas mabagal ang takbo ng Airlander 10 ngunit hindi  ang bilis ang pinakatinitingnan ng mga potential costumers nila. Dahil mas efficient at environmentally friendly naman daw ang eroplanong ito.
Ang karaniwang eroplano ay nag ko contribute ng 3% sa kabuuang global climate emissions ng mundo. 
Buti na lang ang Airlander 10 ay kaunti lang ang buga nito, nasa 5% lamang ng carbon dioxide kada isang pasahero kumpara sa nagagawang 38% kada pasahero sa karaniwang eroplano.
Sa taong 2030, isang electric airlander din ang kanilang minimithi, na maging kinabukasan ng zero-carbon aviation.

Ang Airlander na medyo nakakatawa ang hugis dahil mukha itong pwet kaya tinawang itong the flying bum.
Ngunit, sa loob nito aba, hindi naman matatawaran ang ganda. Luxury at its finest nga na maituturing.
Ang mga unang isandaang pasahero nito ay makakaranas ng tahimik na byahe sa himpapawid—kaya walang istorbo sa iyong pagtulog. 
At dahil ito nga ang pinakamalaking eroplano, aba’y napakalawak ang loob nito.
Kaya, pwede kang magkaroon ng panoramic view ng kaulapan maging nga mundo na matatanaw mo sa ibaba.
At ang interior, aba, para ka lang nasa isang hotel, may bar, spacious na upuan at in flight entertainment.

So ano sa tingin mo solid archers? Kakasa ka ba bilang isa sa unang isandaang pasahero ng Airlander 10, ang pinakamalaking eroplano sa mundo?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: