POPULAR

Ang Airport na ito ang bagong Gateway sa Asya!

Ang Clark International Airport Terminal 2 ang sinasabing “Asia’s Next Premier Gateway”.

Ang katatapos na P12 B project na ito ang sagot upang maibsan ang air traffic sa Ninoy Aquino International Airport na sumiserbisyo sa buong Metro Manila at kalapit na mga probinsya.

Kamakailan lang ay pinangunahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, BCDA President and CEO Vince Dizon at iba pang ahensya ang pag-inspeksyon sa bagung-bago at modernong Terminal 2.

“This structure before us reflects the administration’s unyielding commitment to improve the quality of life of every Filipino by providing big-ticket infrastructure projects, such as this, that will improve connectivity, mobility, create jobs, and disperse economic activity to the regions,” ang mensahe ni President Rodrigo R. Duterte.

Mula sa 4.2 million pasahero lamang na pwedeng ma accomodate nito noon, sa pagkakagawa ng Clark International Airport Terminal 2, 12.2 million ang magiging passenger capacity ng paliparan, taun-taon.

Ang bagong CRK terminal ay merong mga unique features tulad ng contactless self check-in / bag drop through self-service kiosk contactless ordering system, OFW lounge at Heroes Lounge.

Ito rin ang kauna-unahang airport sa bansa na magkakaroon ng mga “gender-inclusive toilet”.

Dati, ayon sa visionary na si Sec. Art Tugade, ito’y isang pangarap lamang ngunit ngayon ay isa ng realidad.

Kokonekta din ang airport na ito sa PNR Clark Phase 2, na may airport express service na magdudugtong sa Makati at Clark mula sa dating 2 hours, hanggang 55 minutes. 

Ang building structure ng CRK Terminal 2 ay katulad ng sa Mactan-Cebu International Airport Terminal 2, na noong 2019 ay nanalo sa World Architecture Festival Award – Completed Buildings Transport category

Katulad ng Mactan-Cebu, idenisenyo rin nina Budji Layug at Arch Royal Pineda ang CRK Terminal 2. Tinawag nila itong New Luxury but being practical sa paggamit ng mga simpleng materyales ngunit de kalidad naman ang disenyo. Maaninag  sa ridged roofline ng airport na kahalintulad ito ng mountain ranges sa paligid tulad ng Mount Pinatubo. Ang roofline naman na pinagsamang timber at metal structure—na tinatawag na glulam ay merong parol at star pattern—isa sa masasabing pangunahing simbolong pangkultura ng Pampanga.

Ayon sa international standards, ang runway ay pwedeng mag accomodate  ng ilang mga Airbus380s at kahit pa space shuttle.

Kahit pa man sa mga challenges na hatid ng pandemya, matapos ang ilang taon, nabuo ang CLARK International Airport, na dati ay isa lang pangarap, ngunit ngayon ay narito na. Isang world class airport para sa mamamayang Filipino.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: