POPULAR

Afghanistan’s Golden Age: Ang kuwentong hindi mo alam sa Kabul na dating tinaguriang ‘Paris of Central Asia ’

Paris of Central Asia.


Ang dating bansag sa Kabul, ang capital city ng Afghanistan. Maaring hindi mo ito alam na dating naging progresibo at mapayapa ang bansa particularly ang Kabul na ngayon  ay binabalot ng pangamba at kaguluhan.

Ang mga panahon matapos ang World War II Dekada 50s, 60s at early 70s. Ito ang tinaguriang golden years ng Afghanistan. Kung ikukumpara mo ito sa mga panahon ngayon, hindi mo sukat aakalain na ito pala ay Afghanistan.

Sa katunayan, isang napakagandang bansa ang Afghanistan, na napapaligiran ng mga snow capped mountain ranges ng Hindu Kush sa pagitan ng Middle East at South Asia. Mga luntiang mga burol na mapapanganga ka sa ubod ng ganda, mga crystal clear na mga lawa, at mga ilog. Kahit pa man isang landlock country na napapalibutan ng mga bansa at mga bundok sa lahat ng sulok, nanatili ang pag-asa sa mga Afghans.

Kung ating babalikan, ang bansang ngayon ay Afghanistan ay mayroong mahabang kasaysayan ng mga mananakop at panunupil mula sa iba’t ibang emperyo at paksyon. Mula kay Darius I of Babylonia noong 500 B.C., at Alexander the Great noong 329 B.C. Noong 11th century naman, na sinasabing pinakadakila sa lahat ng sumakop sa Afghanistan, si Mahmud ng Ghazni dahil sa malawak nitong emperyo mula Iran hanggang India.

13th century, napasakamay ni Genghis Khan ang teritoryo, ngunit noong  lamang napag-isa ang nasabing teritoryo bilang isang bansa. 1870 naman, matapos masalakay ng iba’t ibang Arab conquerors ang nasabing lugar, nagsimulang lumaganap ang Islam.

At noong 1921, matapos ang tatlong digmaang naganap sa loob ng mahabang panahon, dahil sa pananakop ng Britain, naging isang independent nation na ang Afghanistan.

Nagkaroon ng socioeconomic reform sa pangunguna ni Amir Amanullah Khan upang makahabol sa pag-unlad ng ibang mga bansa. 1926 ng ideklara ni Amanullah ang Afghanistan bilang isang monarchy sa halip na isang emirata at iprinuklama ang sarili bilang hari. Ngunit maraming hindi natuwa sa mga polisiya ni Amanullah, maraming umalsa laban sa kaniya noong 1928. 1929, bumaba sa trono si Amanullah at umalis ng bansa.

1933, naging hari si Zahir Shah. At siya diumano ang nagpatupad ng katatagan ng panggobyerno ng bansa kung saan pinagharian niya ito sa mga sumunod pang apatnapung taon.

Sa pamamagitan ng monarkiya, mas napa-igting nito ang kaniyang kapangyarihan sa buong Afghanistan. 
Noong 1964, hinimok nito ang grupo ng mga iskolar, religious at tribal leaders na lumikha ng konstitusyon na susuporta na maigi sa kalayaan ng mga indibidwal. Hindi man daw naging masyadong mabilis ang pagpapatupad ng mga repormang ito, nakita naman daw sa hari at sa mga taong nagtatrabaho para sa kaniya ang paniniwala sa demokrasya at karapatan ng mga mamamayan.


Noong dekada 60s, ang sinasabing pinaka malaking bugso ng kalayaan sa bansa, at sabi nga ng ibang iskolar, na mas naging advance pa ang Afghanistan noon sa pag empower ng mga kababaihan kumpara sa America.

Sa mga panahong iyon, maraming babaeng Afghans ang may pwesto sa parlyamentaryo kung ikukumpara sa bilang na nasa US Congress.

 Hindi man gaano karangya ang pamumuhay ng mga tao, simple lamang din at payak, ngunit masaya ang mga tao.  Hindi gaano ang krimen sa Kabul at stable ang pang gobyerno.

Dahil sa lokasyon nito sa gitna ng Silk Road, ang sinaunang ruta na nagdurugtong sa China at Roma, naging crossroad nga ng kultura ang Afghanistan.
Dumaraan dito ang byahe ng mga wool, gold, silk at spices at  naging masagana ang kalakalan sa lugar.
Kasabay nito ang pananatili ng mga Hindu at Buddhist pilgrims kung saan nakakapamuhay sila kasama ang mga Sikhs, Shiites at mga Sunni Muslims. 
Samakatuwid, may panahon noon na mapayapang namumuhay ang iba’t ibang lahi sa Afghanistan.

Ito ang scenario ng bansa, limangpung taon ang nakalipas.

Isang bansang ang karapatan ng mga babae ay maihahalintulad sa mga bansa sa kanluran.
Sa katunayan, noong 1919, nagkaroon ng karapatan sa pagboto ang mga kababaihan.
Walang nagbabawal na makakamit sila ng edukasyon, maging sa galaw at kilos, at sa pagsusuot ng mga modernong damit.
1960s, may mga babaeng umarangkada rin sa pulitika.
Kagaya ni Anahita Ratebzad, isa sa mga unang babae na naihalal sa Parliament noong 1965.
Naitatag din sa parehong taon ang Democratic Organization of Afghan Women para palakasin  ang pwersa ng mga kababaihan.


Dekada 70s mahigit 60% ng mga kababaihan ang kabuuang populasyon ng mga estudyante sa Kabul University.

Patuloy na naaninag ang kaunlaran sa Afghanistan dahil sa foreign investments noong 50s and 60s.
Makikitang nagtayuan ang mga modernong gusali at mga pampublikong mga istruktura, mga daanan at sumigla ang turismo ng bansa dekada 70s,
kung saan nakilala ang Afghanistan sa magaganda nitong mga hardin, arkitektura, snow-capped mountain ranges at mga friendly locals.

Ngunit tumigil ang pag-unlad sa lugar late 70s dahil sa mga madugong kudeta at pananakop kaya’t ang lahat ng hakbang tungo sa modernisasyon ay nawala na parang bula.

Ang mga panahong mula 1963 hanggang 1973 ang masasabing Golden Era ng Afghanistan kung saan ngayon, ito’y ala-ala na lamang—na minsan sa kanilang kasaysayan ay naging Paris of Central Asia ang Kabul at melting pot of cultures ang Afghanistan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: