Bakit nagtatrabaho ang Hari na ito bilang piloto ng isang airline company?

Bakit nagtatrabaho ang Hari na ito bilang piloto ng isang airline company?

Isang hari, nagtatrabaho bilang piloto ng isang airline company?
Ang mga world leaders tulad ng presidente ang mga sinasabing kapitan ng bansang kanilang pinamumunuan. Nakasalalay sa kanila ang pag-unlad o paglubog ng isang bansa. 
Halimbawa ang Pilipinas, tayo nakasakay sa isang malaking eroplano, at si President Duterte ang kapitan natin, at sa kung saan tayo tutungo, ang kapitan ang unang laging makakaalam.
Ngunit papaano kung ang lider mismo ng isang bansa ay isang literal o totoong piloto? At hindi lang basta lider, isa pa itong hari!
Siya si  Willem-Alexander ng The Netherlands, ang hari ng mahigit 17 million Dutch na mahilig mag bike, gumawa ng mga windmills, at kumain ng waffles—maging ng mga isla sa Caribbean na teritoryo ng Dutch tulad ng Aruba, Curacao at Saint Martin.
Ang bansang Netherlands ay may pamahalaang monarkiya ngunit hindi ito kasing sikat ng UK at Spain. Ang haring Willem-Alexander ay nanatiling low profile kahit pa man siya ang head of state ng bansa na may kapangyarihan sa bawat sangay ng pamahalaan.
Ngunit tulad ng reyna ng Inglatera, inilalayo nito ang sarili sa pulitika. 
Sa kaniyang kabataan, tinatawag siyang Prince Pils. 
At naging hari ito noong 2013 matapos bumaba sa pwesto ang kaniyang ina bilang reyna. 
Napaka casual lang ng pagiging hari ni Willem-Alexander, walang suot ng korona, at walang tumatawag sa kaniya ng Kamahalan o his majesty.
Ang kaniyang mga anak na mga prinsesa, ay nag aaral sa isang pampublikong paaralan.  
Bago pa man siya naging isang hari, isa ng airline pilot itong si Haring Willem-Alexander.
Nakuha niya ang kaniyang private pilots license noong 1985 at noong 1987 ang kaniyang commercial pilot’s license.
Nakuha niya rin ang kaniyang lisensya upang makapagpalipad ng multi-engine jet aircraft in 1989, military pilot license noong 1994, at noong 2001 ang pinaka angat sa lahat ng lisensya, ang airline transport pilot license.
Ang lisensyang pwedeng magamit sa pagpapalipad ng malalaking eroplano na may mga kargang pasahero at ginagawa nga ito ng Hari hanggang sa ngayon. 
Pero bago ninyo ako tanungin kung paano niya ito nagagawa kahit hari na siya, lipad muna tayo patungong Brunei na mas malapit sa Pilipinas kaysa sa Netherlands.
Of course, wala yatang hindi nakakakila sa kay Sultan Hassanal Bolkiah ang hari ng Brunei at isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo.
Ngunit ito ang hindi alam ng marami, dahil halos sa lahat ng kaniyang travels sa ibang bansa siya ang nagmamaneho ng kaniyang sinasakyang eroplano. At sinasabing siya ang pinaka mayamang piloto sa buong mundo. 
Kaya minsan, kapag dumarating na sa tarmac ang eroplano nitong Boeing 747 nagugulat ang mga ground crew maging ang media na ang taong i wewelcome sa red carpet ay ang nagmamaneho ng dumarating na eroplano.
Sa yaman ni Sultan Bolkiah, pwedeng pwede naman siyang kumuha ng isang pribadong piloto ngunit low profile din itong ating isa pang hari dahil siya mismo ang pilot ng kaniyang sariling eroplano.
Kung ikaw ba naman ang may eroplanong pati lababo ay ginto. naku, syempe gugustuhin mo talagang ikaw na ang mag maneho.
At heto pa ang ilan sa mga napag-alaman nating mga pilotong naging presidente.
Ang dating US President na si Dwight Eisenhower ay nagpapalipad ng solo noong 1937 noong siya ay nag serbisyo bilang lieutenant colonel dito sa Pilipinas.
Si US President George H. W. Bush ang isa sa mga pinakabatang naval aviators noong World War II. 
Nakipagbakbakan sa gyera at nakaligtas kahit pa man natamaan ang kaniyang sinasakyang TBM Avenger torpedo bomber. 
Ang kaniya namang anak na si George W. Bush na naging presidente din noong 2001 hanggang 2009 ay nakapagpalipad din ng Convair F-102 interceptors noong nag serbisyo ito sa Texas Air National Guard mula 1968 hanggang 1974 ngunit hindi ito nasabak sa gyera.
Maging ang mga myembro ng Royal family na naghari sa Inglatera ay may mga piloto rin sa kanilang hanay.
Tulad ni George V,  ang hari noong 1910 to 1936 maging ang tatlong anak nito.
Sa kasalukuyan, ang susunod sa trono sa kay Queen Elizabeth na si Prince Charles ay nagpapalipad ng helicopter noong 1974. Maging ang anak nitong si Prince William ay isa ring piloto sa mga search and rescue choppers.
Pero balikan natin ang ating bida sa kwento na si Willem-Alexander ng The Netherlands na hangang ngayon ay nagpipiloto pa rin ng commercial airplane?
Kung papaano at bakit nangyari ito sa simula  ay hindi natin alam ngunit sinasabing noong 2000, ay pumunta itong ating hari sa opisina ng KLM, ang airline company na kaniyang pinag seserbisyuhan at dahil nga prinsepe siya noon na negotiate nitong maging isang part-time pilot.
Medyo may sense dahil ang totoong tawag sa kumpanyang KLM ay  Royal Aviation Company, Inc.
At dahil nga may katawagang Royal kahit pa man private company na noon pa ang KLM, medyo umakma naman din ito para sa hari.
Ang dalawa ding Dutch government airplane ay operated ng KLM.
Dati rati, gamit niya ng Fokker 70 upang ilipad ang mga royals at politicians sa kanilang destinasyon. Ngunit kulang pa ang kaniyang nakukuhang fying hours gamit ang government plane upang ma maintain ang kaniyang lisensya bilang pilot kaya nag simula siyang magpalipad ng regular passenger flights.
Bumabyahe siya sa iba’t ibang sulok ng mundo, sa buong Europe. Sa mga pampasaherong eroplanong ito, isa siyang co-pilot ngunit normal na ipinakikilala bilang first officer sa mga ginagawang anunsyo sa intercom. Maging sa airport, hindi siya nakikilala hari pala ito sa kaniyang suot na KLM uniform.
Simula 2000, sa loob ng isang buwan ay nagpapalipad ito ng maka ilang beses at nagpatuloy ito hanggang siya ay naging hari na.
Ngunit noong 2017, kailangan ng papaghingahin ng KLM ang kanilang mga Fokker aircraft kapalit ng mga mas efficient at bagong fleets, at nagka problema itong si Haring Willem-Alexander dahil ito ang eroplanong certified siyang paliparin.
Kaya nag desisyon silang bumili ng Boeing 737 Business Jet dahil magagamit din ito ng hari sa kaniyang mga malalayong biyahe sa mga islang kanilang teritoryo sa Caribbean Islands.
Kaya sumabak muli itong si Willem-Alexander sa mahabang proseso upang makapagpalipad ng 737 at ng matapos, muling nakapagpalipad gamit ang 737 ng KLM.
Sinasabing twice-a-month siyang nagpapalipad bilang co-pilot at baka kung ikaw ay bumabyahe mula Netherlands at sakay ng KLM na eroplano, baka hindi mo alam mismong hari pala ng Netherlands ang piloto may kontrol sa biyahe mo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.