TRENDING

Guro sa Ghana, nag viral dahil nagtuturo ng computer lessons gamit ang blackboard!

Viral ngayon ang isang larawan ng guro sa Ghana matapos makunan na nagtuturo ng computer lessons sa isang silid-aralan ngunit walang computer kundi gumuhit lang sa blackboard kung anong mukha ng mga computer application. Ngunit ang resulta matapos siyang mag viral? Nangako ang Microsoft na padadalhan siya ng bagong computer equipment.

Si Richard Appiah Akoto isang guro ng Information and communication technology (ICT) ay nag post ng kaniyang larawan sa Facebook habang gumuguhit sa blackboard kung paano gumamit ng Microsoft word.

“Teaching of ICT in Ghana’s school is very funny,” ang saad ni Mr. Akoto sa kaniyang Facebook post.

Ang kaniyang post ay na-share ng ilang libong beses sa facebook at Twitter kaya naman dagling napansin ng mga international websites at tech enthusiasts.

Ayon kay Mr. Akoto hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa niya ito. Palagi niya umano kung siya ay nagtuturo.

Nang makarating ang kaniyang tweet sa Microsoft, nangako ang kumpanya na magpapadala ng computer sa kaniya at mga materyales sa pagtuturo.

 

Advertisements

Leave a Reply