Arestado! Guro sa Florida, matapos magkaroon ng relasyong sekswal sa kaniyang 14 taong gulang na estudyante

Arestado! Guro sa Florida, matapos magkaroon ng relasyong sekswal sa kaniyang 14 taong gulang na estudyante

Arestado ang isang may asawang guro sa Florida, USA dahil sa pakikipagtalik nito sa kaniyang 14 taong gulang na estudyante at umamin itong binibigyan niya ito ng drugs at marijuana maging pinapadalhan ng kaniyang mga hubad na larawan sa social media.

Si Stephanie Peterson, science teacher sa New Smyrna Beach Middle School in Florida, ay inakusahan ng pagkakaron ng sexual relationship sa kaniyang 7th grade na estudyante — na dati ng sinaway ng mga magulang ng bata.

Sinusundo ni Peterson, 26 taong gulang, ang teenager sa bahay nito habang nasa trabaho ang kaniyang asawa, at ihahatid naman ito makalipas ang ilang oras ayon sa arrest report ng WKMG.

Pilit na pinagsasabihan ni Peterson ang bata na ilihim ang kanilang relasyon, matapos ilang ulit niyang bigyan ng marijuana ang bata, sinabi niya sa kapulisan.

article-teacher2-0301.jpg

Madalas din siyang nagpapadala ng mga nude photos sa bata sa pamamagitan ng Snapchat at Instagram kung saan kapansin-pansin ang kaniyang mukha kaya’t madali siyang nahuli ng mga pulis matapos mag report ang mga magulang ng bata.

Umiiyak na nagsumbong ang bata isang araw nang sabihin niya ang sexual relationship nila ng nasabing guro, na nagsimula noong November 2017, ayon sa Volusia County Sheriff’s Office.

Si Peterson na kinasuhan ng two counts of lewd at lascivious battery at one count ng transmission of harmful materials to a minor, ay nasa kustudiya ng pulisya, at maaaring makalaya sa pamamagitan ng $25, 000 na piyansa.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.