Life hacks: Pwede nga bang gamiting panlinis ang toothpaste sa kahit anong bagay?

Life hacks: Pwede nga bang gamiting panlinis ang toothpaste sa kahit anong bagay?

Marami na tayong napapanood na “life hacks” ika nga sa Youtube, sa Facebook o sa TV, pero mahirap tantiyahin kung anu-ano ang mga totoo o hindi namana pala epektibo.

Ang “life hack’ ay isang pamamaraaan upang mas maging mabilis, mainam ang ating mga ginagawa kung ano man ito.

Para patunayan nating maigi nga ang mga life hacks na ito, amin itong sinubukan.

Isa sa pinaka popular na life hack, walang iba kundi ang paggamit ng pangkaraniwang toothpaste bilang panlinis.

HACK 1 Panlinis ng Sapatos

670px-Clean-White-Shoes-Step-41Bullet2

Tunay na epektibo ang hack na ito! Maaari mong paputiing muli ang puting bahagi ng iyong sneakers gamit ang pangkaraniwang toothpaste. Minsan kasi, hindi nadadala ng sabon at basang basahan. Ngunit sa tulong ng toothpaste, may solusyon na tayo sa ating problema.

b160ecd7d7b884f3ab39807464438e51

HACK 2 Pagpapakintab ng “Silverwares o Jewelry”

life-hack-burnt-pan

Gamit ang toothpaste, sinubukan namin ito sa isang marumi, at magaspang na kuwintas. Makalipas ang dalawang minutong pag lilinis, aba, kumintab muli ito.

Maging sa mga kubyertos na silver ay pwedeng-pwede ring gamitin ito.

29c78f06377294b65bb60a435b8dfcb4

HACK 3 Lipstick sa Damit

step-1-remove-lipstick-stain-on-carpet-with-toothpastem2.3

Isa pa sa popular na life hack gamit ang toothpaste: ang pagtanggal ng lipstick sa damit.

Para tanggalin ang mantsa, lagyan lamang ng toothpaste ang lugar na nabahiran ng lipstick at kusutin ng maigi sa tubig ang parteng ito.

Itong isang epektibong paraan.

HACK 4 Red Wine sa Mantel

200115903-001

Sinubukan din namin ito na tanggalin ang red wine na natapon sa telang mantel. Medyo epektibo ngunit hindi natanggal ng buo ang mantsa. Hindi tulad ng lipstick na tanggal talaga ng lubusan.

Kaya, sa susunod na makakita ng toohpaste, maliban na gamitin itong panlinis sa iyong ngipin at bunganga, marami pa pala itong pwedeng linisin.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.