PH

AQUINO: “Bago ako bumaba sa pwesto, GINAWA KO LAHAT NG AKING MAKAKAYA upang maPROTEKSYONAN ang MAMAMAYAN!

Sa pagharap ni dating Pangulong Benigno Aquino II sa pagdinig ng Joint House Committee on Health at Good Government and Public Accountability, sinabi nitong nahaluan na ng pulitika ang kontrobersya sa Dengvaxia vaccine kung kaya’t hanggang ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon.
Aniya, pagbaba pa lamang niya sa puwesto noong June 2016 ay nagkaroon na ng imbestigasyon ang kamara at senado pero nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon dahil sa pulitika.
Dahil aniya sa pamumulitika hindi na pinapansin ngayon ang iba pang bakuna na ibinibigay ng pamahalaan.
President-Aquino-Dengvaxia-04_CNNPH
Wala ring umanong iligal sa pagbili ng bakuna sapagkat dumaan naman ito proseso.
Posible aniyang sinadya ito ng mga taong namumulitika upang madiin ang kanyang administrasyon sa isyu ng Dengvaxia.
Sinabi pa nito na naging mainit ang usapin sa Dengvaxia nang maglabas ng warning ang Sanofi tungkol sa severe dengue kapag nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Kaya paliwanag ng dating pangulo, hindi naman naging ganap na matagumpay ang Dengvaxia.
Bago aniya siya bumaba sa pwesto ay ginawa naman nila ang lahat ng makakaya para bigyan ng dagdag na proteksyon ang mamamayan.
Advertisements

Leave a Reply