Malacañang: “Hindi panganib si Pangulong Duterte sa demokrasya!”

Malacañang: “Hindi panganib si Pangulong Duterte sa demokrasya!”

Pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang bansag ng isang US Intelligence Community report na panganib diumano si Pangulong Rodrigo Duterte sa demokrasyo at karapatang pantao at sinabi ito ay puro kuro-kuro lamang.

Ipinagdiinan ni Roque na walang “autocratic tendencies si Duterte at sinusunod nito and rule of law maging ang konstitusyon.

“An autocracy is not prevalent, as they would like everyone to believe. Our media are still able to broadcast and print what they want — ‘fake news’ included. Our judiciary and the courts are functioning as usual. Our legislature remains independent and basic services are still being delivered,” ayon kay Roque

“There is no revolutionary government or nationwide martial law, which US intelligence officials are saying that the President might declare or impose,” dagdag pa niya.

Ang mensaheng ito ng Amerika ay inilabas matapos ang desisyon ni Pres. Duterte na i-ban ang news website na Rappler sa pag cover ng mga lakad nito dahil umano nawalan na ng tiwala ang presidente ayon kay Roque.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.