PH

Inihalintulad ni Duterte si Pia Ranada sa isang walang galang bisita sa bahay

Inihalintulad ni Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte si Rappler Reporter Pia Ranada sa isang walang modong bisita sa bahay matapos nitong i-ban ang huli sa Malacañang dahil sa pagdadawit ng kaniyang special aide na si Christopher Bong Go sa isang Navy ship deal.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ikinumpara diumano sa Pia Ranada sa isang bisita, “If you were in the President’s position wherein you were disrespected by your visitor, can you blame him for throwing out the disrespectful person out of your house.”

Isang report mula sa Rappler ang nagdidiin kay Special Assistant Bong Go na nagkaroon ng impluwensya sa pagpili ng systems provider sa dalawang Navy frigates at natuloy ang usapin sa isang Senate inquiry. Hindi inamin ni Go ang alegasyon.

“Rappler, Pia was allowed to go inside the house of the President. The President was, however, disrespected because Ranada insisted on the truthfulness of her ‘fake news’ despite the Senate investigation,” sinabi ni Roque sa mga reporters sa Iloilo.

 

Advertisements

Leave a Reply