PH

ETHICS COMPLAINT laban kay Sen. LEILA DE LIMA, IBINASURA na!

Ibinasura na ng Senate Ethics Committee kanina ang ethics complaint na inihain ng ilang mga miyembro ng Kamara laban kay Senador Leila de Lima.

170630_delima_02

Sinang-ayunan ng mga miyembro ng komite ang mosyon ni Senador Franklin Drilon na i-dismiss ang reklamo dahil hindi naman umano nakitaan ng paglabag sa Senate rules ang Senadora.

Noong Disyember 2016, naghain ng ethics complaint sa Senado sina House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas dahil sa umano’y “unethical conduct” na ipinakita ng senadora sa pagpigil niya sa kanyang driver na si Ronnie Dayan sa pagdalo  sa House hearing noong 2016.

640_leiladelima2_2017_06_30_10_18_42

Sa nasabing pagdinig, ibinulgar na nagpadala ng mensahe si ang Senadora sa anak ni Dayan na si Hannah Mae upang payuhan ang kanyang ama na huwag dumalo sa pagdinig tungkol sa umano’y illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

For more stories, visit Archlight Online
Follow Archlight Media on Facebook

Advertisements

Leave a Reply