POPULAR

Mayor Inday Sara nanguna sa bagong partido para suporta kay Pangulong Duterte

DAVAO CITY – Nakipag-alyansya si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ilang batikang pulitiko ng Mindanao upang makabuo ng isang bagong partidong politikal at masigurado ang pwersa ng mga lokal lider para supurtahan ang administrasyon ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakipag-alyansa sa mayor sa Hugpong ng Pagbabago (Alliance for Change) ang apat sa limang provincial governors ng Davao Region— Antonio Rafael del Rosario of Davao del Norte, Claude Bautista of Davao Occidental, Nelson Dayanghirang of Davao Oriental and Jayvee Tyron Uy of Compostela Valley.

Sara-Duterte-0220-620x255

Ang ikalimang gobernador na douglas Cagas ng Davao Del Sur, ay wala sa mga sumali kay Duterte sa pagbuo ng HNP.

Si Del Rosario ay pinsan ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr.

Si Del Rosario at Floirendo ay may hindi pagkakasundo kay Speaker Pantaleon Alvarez na secretary-general ng PDP-Laban.

“It’s a regional party. [We] want to unify,” ang sabi ni Inday Sara.

Nagpadala ng inbitasyon ang HNP para s kanilang Feb. 23 general assembly sa Davao Convention and Trade Center at si Duterte ang party chair.

Si Bautista naman ang magsisilbing HNP president samantala si Dayanghirang ang vice president.

Ayon kay Mayor Sara, wala siyang koneksyon sa PDP-Laban na naging partido ng ama sa 2016 Presidential Elections.

“No links with [PDP-Laban]. Only Governor Uy is [a PDP-Laban member]. I ran under Hugpong sa Tawong Lungsod, the local party in Davao [City],” ang sabi ng mayora.

 

Advertisements

Leave a Reply