Presidential Assistant Bong Go, biktima lang umano ng fake news ayon sa ilang Senador

Presidential Assistant Bong Go, biktima lang umano ng fake news ayon sa ilang Senador

Dinipensahan ng ilang Senador si Special Assistant to the President Bong Go sa kaniyang unang pagharap sa pagdinig ng Senado kaugnay sa maanomalyang 15.5 billion peso Philippine Navy frigate deal. Ayon kina Senador Migs Zubiri at Loren Legarda, nakita anila na wala namang direktang kinalaman si Go sa naturang transaksiyon.

Kung si Senador Loren Legarda lang aniya ang tatanungin, hindi na dapat na pinatagal pa nang halos pitong oras na proseso ng pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security kaugnay sa Philippine Navy frigate deal na nagkakahalaga ng P15.5-B, partikular na tinutukoy ng Senador ang imbitasyon kay Secretary Bong Go, na wala naman aniyang direktang kinalaman sa nasabing anomalya.

Sa ipinakitang kapirasong papel ni Legarda, na may sulat ni Go na nag-uutos sa kaniyang opisina na tingnan ang transaksiyon ay normal lang aniya ito sa alinmang opisina ng gobyerno na magtanong kaugnay sa deal dahil bahagi lang umano ito ng government protocol.

Sa kabilang banda, hindi naman nagustuhan ni Legarda ang tugon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kung bakit ngayon lang nangyari ang acquisition ng isang maritime warship mula sa matagal nang problema sa isyu ng maritime concerns sa bansa.

Ayon kay Lorenzana, kawalan ng pondo ang dahilan kung bakit naantala ang ganitong proyekto.

Ayon kay Senador Legarda, maraming pondo ang bansa at minsan kailangan lang pag-aralan ang sistema ng paggastos sa tamang proyekto ngunit nakadepende aniya ito sa pagpupursigi ng mga ahensiya ng gobyerno upang ipresenta ang pangunahing pangangailangan nito.

Samantala, buo naman ang paniniwala ni Senador Migs Zubiri na ang nangyaring pagdawit sa pangalan ni Secreatry Bong Go ay dulot lamang ng isang fake news.

For more stories, visit Archlight Online
Follow Archlight Media on Facebook

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.