Pia Ranada ng Rappler, bawal na sa Malacañang Palace

Pia Ranada ng Rappler, bawal na sa Malacañang Palace

Hinarang diumano ang Rappler Reporter na si Pia Ranada na makapasok sa New Execituve Building, Martes ng umaga, at pinagbawalang papasukin sa loob ayon sa utos ng mga nasa taas.

Myembro si Ranada ng Malacañang Press Corps ngunit bigla itong hinarang ng Presidential Security Group (PSG) na pumasok sa gusali dahil utos diumano ng mga nasa taas.

Ngunit makalipas ang ilang sandali, pinagsabihan ng PSG officer si Ranada na pwede na itong pumasok ngunit hanggang NEB lang at hindi sa palasyo.

Hindi binanggit ng security officer kung sino ang nag-utos na hindi papasukin si Ranada sa mga okasyon sa palasyo.

Kamakailan, pinapawalang-bisa ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of incorporation ng Rappler dahil sa paglabag diumano nito sa kunstitusyon ng bansa .

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.