TRAVEL

Bilang ng mga turista sa Boracay, tumaas pa rin sa kabila ng ‘cesspool’ issue

Tumaas pa rin ang bilang ng mga turistang bumibisita sa isla ng Boracay matapos  ang “cesspool” remarks ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa record ng Caticlan Jetty Port, umabot sa kabuuang 99,729 na mga turista ang nagbakasyon sa Boracay simula Pebrero a-uno hanggang a-kinse.

70,876 dito ay mga foreigners, 26,827 ay mga local tourist habang 2,026 ay mga Overseas Filipino Workers.

Mas mataas ito ng 17.7 percent kumpara sa parehong panahon noong 2017 kung saan 84,707 na turista ang nagtungo sa isla.

Bumuhos din ang mga turista sa isla nitong Chinese New Year.

For more stories, visit Archlight Online
Follow Archlight Media on Facebook

Advertisements

Leave a Reply