Duterte, nagbantang ipasara ang Boracay

Duterte, nagbantang ipasara ang Boracay

Davao City – Nagbanta si Pangulong Duterte na ipapasara ang isla ng Boracay kapag hindi naresolba ang mga environment problems ng isla sa loob ng 6 na buwan.

“I will close Boracay. Boracay is a cesspool,” pahayag ni Duterte kagabi sa ginanap na Manila Times Business Forum sa Davao City.

Ayon sa pangulo, ang problema sa sewerage ang sumisira sa ecosystem ng pinakasikat tourist destination ng bansa.

“You go into the water, it’s smelly. Smell of what? Shit. Because everything that goes out in Boracay…it’s destroying the environment or the Republic of the Philippines and creating a disaster coming,” dagdag pa nito.

Nakikita din ni Duterte na darating ang panahon na wala ng turistang magtutungo sa Boracay kung ito ay pababayaan, “There will be a time that no more foreigner will go there because he will have – when he goes back to the plane to where he belongs – he will be full of shit going back and forth to the restroom,”.

Matatandaang binigyan nya ng 6 na buwan si Environment Secretary Roy Cimatu para aksyunan ang environmental problems ng Boracay lalong-lalo na ang hindi pagsunod ng mga negosyante sa environmental regulations.

Ang Boracay ang tinaguriang best island in the world ng Conde Nast travel magazine.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.