Mahigit $1.25 Billion investments, naiuwi ni Duterte sa biyaheng India

Mahigit $1.25 Billion investments, naiuwi ni Duterte sa biyaheng India

Matapos ang biyahe ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula India at nakipagkita kay Prime Minister Narendra Modi,  lumalagapak na $ 1. 25 billion dollars ang naiuwi nitong worth of investments na ilalagak ng India sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakipag pulong ang mga Indian companies sa mga opisyales ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagganap ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – India Commemorative Summit upang pag-usapan ang mga investment plans.

Si Pangulong Duterte ay dumalo sa nasabing Summit, na ang naging pangunahing paksa ay ang pagpapalawak ng pakikisalamuha ng India sa rehiyon.

“DTI has already facilitated billions in new investments in the Philippines and they are expected to generate thousands of jobs,” sinabi ni Roque kahapon sa isang press briefing.

Ngunit sa kabuuang halaga na ito ay hindi pa kasama ang mga pledges ng mga kumpanya na magbibigay ng estimate sa kanilang mga investments.

“Definitely, it will be higher than $1.25 billion,” ang sabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez.

Ang pinakamalaking bahagi nito o $1 billion ng investment ay magmumula sa Adani Green Energy Ltd., na magpapalawak ng operasyon sa bansa.

“We met Adani Green Energy. Their plan is to expand operation to the Philippines in particular focusing on the renewable energy, building solar panels. They are the biggest in India… So they are now looking for sites for the solar and the wind-based power generation,”  dagdag ni Lopez.

May mga investment pledges din sa mga kumpanyang may kinalaman sa teknolohiya, business processing management, software development, turismo, wellness at panggagamot.

Ang DTI ay nakatanggap ng pitong letters of intent mula sa mga investors.

Ang iba pang kumpanya na nagkaka interes mamuhunan sa bansa ay ang Interglobe Air Transport, Interglobe Technologies, KG Information Systems Private Ltd., Business Process Association of the Philippines, The Farm at San Benito (Narra Wellness Resorts Inc.), na gustong magpalawak sa Palawan at Davao at ang Hinduja Global Solutions, na nagpaplanong  kumuha ng 2, 000 na manggagawa.

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.