TRENDING

Walang makakapigil sa pagmamahalan, pumutok man ang bulkan

Sino nga ba ang mag-aakalang ang pagputok ng Bulkang Mayon ay magiging isang ‘picture perfect’ na pagkakataon sa dalawang mag-sing-irog na nag-isang dibdib sa kabila ng masungit na kalikasan?

Viral ngayon sa Facebook ang post-nup photo ni Arlo at Maica na ikinasal noong Enero 25, 2018, sa kasagsagan ng pagputok ng Mayon Volcano. Ang larawan ay kinunan sa Church of Our Lady of the Gate, Daraga, Albay.

“Kahit na pumuputok ang bulkan, tuloy pa rin tayo. Laban lang! Walang makakapigil sa atin.” ayon sa viral post ni Franklyn Deo Moraleda Nebreja ng Nebreja Bros. Media na siyang photographer nitong perfectly captured moment ng bagong kasal.

Nasa kanilang post-nup photoshoot si Mr. and Mrs. Arlo Gerald Dela Cruz at Maria Hussa Maica De la Cruz ng biglang nag-alburuto si Bulkang Mayon at nakisabay sa eksena ng dalawa.

Ngunit sa dalawang mag sing-irog, ito’y napakagandang pagkakataon para sa kanila at lubos na nagpasalamat sa pagkaka-akma nito sa larawan.

Marami ang nagsabing naging personipikasyon ito ng Alamat ng Mayon kung saan nagtatagpo si Magayon at Pangonoron sa tuwing puputok ang Bulkan.

Ayon kay Arlo, ang kaniyang pag-ibig sa kaniyang asawang si Maica ay maihahambing sa pagputok ng bulkan – mainit at bumubulwak.

Dinagsa naman ng maraming komento ang nasabing lalawan at umabit na sa mahigit 17, 000 share sa Facebook.

Narito naman ang ilang comments ng mga netizens:

Advertisements

Leave a Reply