PH

Duterte, nangako na ilalabas ang katotohanan sa malagim na Mamasapano raid

Sisiguraduhin ni President Rodrigo Roa Duterte ang ipapalabas ang katotothanan mula sa malagim na Mamasapano Operation noong 2015, ayon sa Malacañang noog Huwebes.

SAF-commandos-0325-660x461

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ayaw ng maulit ni Pres. Duterte ang pumalpak na anti-terror raid na kumitil sa buhay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos.

“President Rodrigo Duterte does not wish a repeat of such a waste of lives and promising future of galant Filipinos even as he vows to uncover the truth behind this botched operation and find a just closure for the bereaved families who lost a husband, father, brother, or son,” sinabi ni Roque sa press briefing nito sa India.
Sinabi niyang natatandaan ng buong bansa ang naging sakripisyo ng 44 SAF commandos ngunit kaniyang inamin na medyo malabo pa ang hustisyang maibibigay sa ngayon sa Fallen SAF 44 heroes.

Minabuti ng palasyo na hikayatin ang lahat ng myembro ng kapulisan na magbalik tanaw sa ginawang sakropisyo ng mga nasawing kasamahan.

“Honor their memory by reliving their values of integrity and courage as you perform your duty to serve and protect the nation,”  anya Roque

“To our people, let us offer the most solemn prayer for our Fallen SAF heroes. We also pray for their bereaved families that their grief may soon be appeased through the attainment of justice,” dagdag pa nito.

Dineklara ni Duterte ang Enero 25 ng bawat taon bilang Day of National Remembrance para sa 44 SAF troopers na namatay ng walang kalaban-laban sa labanan noong Enero 2015.

 

Advertisements

Leave a Reply