700 dating myembro ng NPA, inimbitahan sa Malacañang

700 dating myembro ng NPA, inimbitahan sa Malacañang

Pitong daang dating myembro ng New People’s Army (NPA) ay tutungo sa Manila ngayong Pebrero upang  makipaghapunan kay President Rodrigo Duterte.

Ito ay pagpapakitang seryoso ang pamahalaan na tulungan ang lahat ng dating rebelde sa kanilang pagbabagong-buhay.

“This coming 6 to 10 of February, ‘yong mga nagbalik-loob last December will be brought to Manila to have a dinner with the President in three batches,” ang sabi ni Colonel Ernesto Torres, 1003rd Infantry Brigade (IB) commander sa AFP-PNP press forum noong Meyerkules, Enero 24, 2018.

Ang lahat ng gastusin mula sa pamasahe at plane ticket ay magiging sagot ng pamahalaan, kung saan sila ay isasakay sa isang C130 ng Philippine Air force.

“If you remember last December 21, the Eastern Mindanao Command presented 683 former rebels and the President relay to them the programs of the government regarding those who would like to go back to mainstream society,” dagdag ni Torres.

Ang nasabing programa ay naglalaman ng pinansyal at pangkabuhayan mga proyekto maging pabahay mula sa Comprehensive Local Integration Program.

Ang mga rebel returnees ay magkakaroon rin educational tour sa Intramuros, Malacañang at sa iba pang mga makasaysayang lugar upang mapukaw ang kanilang pagka makabayan.

Sila ay dadalhin din sa mushroom production ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang matulungan sila mapa unlad ang kanilang kabuhayan.

“The objective of that is to first encourage active participation of our former rebels in nation-building and peace-building,” dagdag pa ni Torres.

“If they are brought to Manila, they will see how things are going on there. They will be briefed on the different programs of the government.”

Ang mga dating rebelde ay makikipagkita rin kay Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff General Rey Leonard Guerrero.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.