PH

Mocha Uson ibinalik na ang UST Alumni Award

Ang award na puno ng kontrobersya, na iginawad ng UST Alumni Association Inc. kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ay ibinalik na niya matapos itong umani ng katakot-takot na komento at batikos mula sa mga netizens at alumnus at maging mga estudyante ng nasabing unibersidad.

Sa kaniyang Facebook post, pinasalamatan ni Uson ang UST ALUMNI ASSOCIATION INC. ngunit nag desisyon siya diumano na ibalik ang nasabing award dahil masyado ng lumaki ng isyu ang inililihis ng mga bashers ang mga usapin patungkol sa Dengvaxia at iba pang pangyayari sa bayan. Narito ang kumpletong statement ni Mocha Uson sa kaniyang post:

ddg

SALAMAT UST ALUMNI ASSOCIATION INC.

Sa kabila ng desisyon ng UST Alumni Association Inc. na hindi bawiin ang award na iginawad sa akin nagdesisyon po akong ibalik ang award dahil pilit na nililihis ng ibang tao ang mas mahahalagang usapin tulad ng Dengvaxia at iba pang pangyayari sa ating bayan. Sobra na rin ang pambu-bully ng ilang Thomasian sa Presidente ng UST Alumni Association Inc. na si Sir Henry Tenedero. Gusto ko lang din sabihin na hindi lahat ng Tomasino ay mapanghusga ng kapwa. Hindi yan ang tinuro sa amin. Sana sa aking pagsoli nito ay tigilan na nila ang pang bubully nila sa UST AAI. Salamat po

Pinagtanggol naman ng mga netizens ni Mocha mula sa mga mapanghusgang mga mata ng iba.

Hinikayat pa ni Uson ang mga bashers na itigil na ang drama at harapin ang mahahalagang bagay gaya ng pagtulong sa mga naturukan ng dengvaxia at panagutin ang mga nagkasala dahil hindi aniya biro ang buhay ng ilang kabataan na naisakripisyo dahil sa kapabayaan ng mga dating opisyal.

 

Advertisements

Leave a Reply