PH

Award kay Asec Mocha ‘insulto’ daw sa mga alumni ng UST?

Insulto daw na matatawag sa mga alumni ng University of Santo Tomas ang paggawad ng Thomasian Alumni Award for Government Service kay Presidential Communications Assistant Secretary Margaux ‘Mocha’ Uson.

Ito’y ayon sa sinabi ng isang Filipino-American novelist at poet Bino Realuyo, alumnus ng UST, na hindi raw makatwiran na ibigay ang nasabing award kay Uson dahil isa siyang kilalang propagandist at nagpapakalat ng fake news.

Ang hakbang na ito ay malaking insulto diumano para sa lahat ng UST Alumni n mas karapat dapat bigyan ng parangal at kilalanin.

Ibabalik daw diumano ni Realuyo ang kaniyang natanggap na award mula sa UST bilang Outstanding Alumni in Literature noong 2003 bilang pagprotesta.

Sa Facebook post ni Mocha, nagpasalamat naman siya sa ‘di inaasahang natanggap na award mula sa UST.

“Maraming salamat po sa UST Alumni Association sa pagbigay sa atin ng “Gawad Thomasian Alumni in Government Service”. Isa po itong karangalan. Inaalay ko po ang award na ito sa aking ina at sa ating mga ordinaryong Pilipino!”

Sinabi naman ni Henry Tenedero, president of the UST Alumni Association, na wala silang sinunod na criteria sa pagpili ng bibigyan ng parangal, and sa kanila lang, dapat ay Thomasian graduate.

Kaya naman, umani ito ng napakaraming batikos lalong lalo na sa mga alumni ng UST.

Advertisements

Leave a Reply