Marahil marami tayong mga lugar na gustong puntahan. America, Canada, Singapore Spain at iba pang naggagandahang lugar sa mundo. Kaya, gumagawa tayo ng ‘travel bucket list’. Naglilista tayo ng mga lugar na ninanais nating puntahan, at kung magkaroon ng isang opurtunidad n makapunta, sunggab agad.
May irerekomenda kaming isang lugar na siguradong idadagdag mo sa iyong listahan.
Ito ang Hotel Villa Honegg, isang five-star superior hotel na matatagpuan sa Lake Lucerne sa Switzerland. Kung paborito mo ang malalamig na lugar, siguradong maiibigan mo ito.
Matatagpuan ang nasabing hotel sa 914 metres above sea level na itinayo ni Emil Durrer kasama ang kaniyang napangasawang si Louise Traxler sa tinaguriang pinaka magandang ‘spot’ sa dakong iyon. Dahil sa kaniyang malawak na kaalaman, plinano at ginawa niya ang nasabing hotel ng walang arkitekto kundi siya. Nagbukas ang nasabing hotel noong 1906.
Sumikat lalo ang nasabing hotel sa buong mundo dahil sa kanilang ‘Stairway to Heaven’ infinity pool kung saan nag viral ang isang video sa social media.
Ang nasabing swimming spot ay nagkaroon ng worldwide attention noong Setyembre ng dahil sa viral video na ito.
Ito naman ang review ng mga nakapunta:
“I’ve been to a few amazing hotels around the world, but nothing quite compares to Hotel Villa Honegg. From the very warm welcoming from the friendly, profession
I would highly recommend this hotel to absolutely
(I will be back in the near future for sure)”
“The most beautiful hotel we’ve ever stayed at. Just stunning. Excellent customer service from all of the staff. Free private taxi to and from the hotel. Free access to the gorgeous spa and infinity pool for all staying guests. The views are just heavenly. The rooms were immaculate
Ang tubig sa nasabing infinity pool ay hindi malamig kaya hindi ka giginawin, nasa 34 degree Celsius ito habang tumatama sa iyong mukha ang malamig na simog ng hangin mula sa nakikitang kabundukan ng Alps.
Kung gusto mong magtungo sa napakagandang luxury hotel na ito, ay maghanda handa ka na ng P 41,000- P45, 000 kada gabi sa kanilang mga bukod tanging rooms with stunning view.
Dinagsa ng tawag ang nasabing hotel matapos ang viral ang video ng kanilang ‘Stairway to Heaven’ infinity pool. Ikaw, pupuntahan mo ba ito?