Alak, nagdudulot ng sakit na cancer?

Alak, nagdudulot ng sakit na cancer?

ANG alak ay isa sa mga inihahain sa tuwing mayroong mga salo-salo o
pagdiriwang sa isang okasyon.

Madami rin ang nagsasabi na ang alak ang nagpapasaya ng kuwentuhan.

Pero hinay-hinay, dahil ang alak na akala mong magpapasaya sayo ngayon
ay puwede ring magpaluha sayo sa hinaharap dahil sa dulot nitong sakit—
ang cancer.

Ayon sa makabagong pag-aaral ang pag-inom ng alak ay maaaring
magdulot ng tinatawag na ‘irreversible damage’ sa DNA ng stem cells ng
isang tao na puwedeng mauwi sa cancer.

Natuklasan ng ilang mga siyentipikong Briton na ang ‘acetaldehyde’ isang
kondisyon na kung saan ang alak ay pinoproseso ng katawan na maaaring
sumugat sa DNA sa loob ng blood stem cells na posible ring mamalagi ng
permanente. Ang permanenteng sugat na ito sa loob ng katawan ang siyang
magdudulot ng malubhang karamdaman na cancer na puwedeng mauwi sa
kamatayan.

Ang pag-aaral na ito ay nailathala sa journal na Nature kamakailan lamang.

At payo ng mga eksperto mag-isip-isip mabuti sa maaaring idulot ng alak sa
katawan bago ito inumin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.