Rappler’s Maria Ressa at isa pa, sinubpoena ng NBI

Rappler’s Maria Ressa at isa pa, sinubpoena ng NBI

SINUBPOENA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang chief executive officer ng
National Bureau of Investigation (NBI) na si Maria Ressa ng Rappler.

Ito ay kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI sa reklamo ng negosyanteng si
Wilfredo Keng.

Kasama ring ipinapatawag ng NBI ang dating reporter ng rappler na si Reynaldo Santos
at ang may-ari ng Dolphin Fire na shareholder ng Rappler Holdings na si Benjamin
Bitanga.

Ang nasabing mga personalidad ay pinasisipot sa tanggapan ng NBI-Cybercrime Division
sa Enero 22 ng taong kasalukuyan.

Nag-ugat ang reklamo sa ulat ng Rappler noong Mayo 2012 kung saan tinukoy na
pagmamay-ari umano ni Keng ang itim na
Chevrolet Suburban na ginagamit noon ni
Dating Chief Justice Renato Corona.

Ang nasabing impormasyong ay nauna nang itinanggi ni Keng.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.