Rappler, bigong maglabas ng ebidensya laban kay Bong Go

Rappler, bigong maglabas ng ebidensya laban kay Bong Go

Hindi nagtagumpay ang Rappler na  patunayan ang  kanilang artikulo patungkol kay Special Assistant to the President Secretary Christopher Bong Go na sangkot diumano sa panghihimasok sa procurement process ng bibilhing kagamitan ng Philippine Navy.

Ito ang pahayag na sinabi ni Presidential Spokesman  Harry Roque, kung saan binigyan sila ng bente kwatro oras ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maglabas ng mabigat na ebidensyang magpapatunay  kay Go pero walang kahit na aninong ebidensyang maipakita ang online news agency.

Sa halip, ang inilabas na ebidensiya ay ang “marginal note” na hindi naman galing sa inaakusahang kalihim kundi mula kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa paliwanag ni Roque, mas napagtibay din  ang kawalang batayan  ng paratang ng Rappler matapos magsalita na rin si  Lorenzana na walang kinalaman si Secretary Go hinggil sa procurement issue.

Bukod sa D.N.D. Secretary,  kinontra rin ni dating navy flag-officer in command, Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang ulat ng Rappler sa pagsasabing hindi pinanghimasukan  15.5 billion peso  frigate acquisition project.

Kamakailan lamang ay nakatanggap ng pampublikong sermon mula kay Pangulong Duterte ang Rappler Reporter na si Pia Ranada dahil sa “fake news” na artikulong inilabas nito at pagdadawit sa knaiyang Special Assistant sa issue.

 

 

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.