SPORTS

Pacquiao, gustong makaharap si Lomachenko sa comeback fight sa Abril

NAIS ni Pinoy Super Boxing Star/Sen. Manny Pacquiao na makatunggali sa kaniyang
pagbabalik sa ring si Ukrainian Champion Vasyl Lomachenko.

Sinabi ni Pacquiao na umuusad na ang mga pag-uusap sa kaniyang kampo para sa
nasabing laban.

Target ni Pacquiao na muling bumalik sa ring sa Abril kung saan naka-break ang
senado.

Una nang sinabi ni Bob Arum na maaari umanong isagawa ang comeback fight ni
Pacquiao sa showdown nina Terence Crawford at ni Jeff Horn sa Abril 21.

Ayon kay Pacqiao, nami-miss na niya ang makpagbakbakan sa loob ng boxing ring.

Advertisements

Leave a Reply