ALAMIN

Ang Mahiwagang Nutri-bun, anong naaalala mo sa tinapay na ito?

Ano ang naaalala mo sa Nutri-bun?

Siguro ang mga kabataan ngayon, palagay ko ay hindi na ito alam ngunit ang mga Pinoy na lumaki noong ’70s ay marahil maraming magagandang ala-ala patungkol sa wonder bread na ito.

Ako’y grade 1 dati ng una kong matikman ang Nutri-bun. Masaya ako tuwing recess dahil hindi ko na kailangang gastusin ang baon kong piso (malaki na yun sa noong panahon na ‘yun noong ’80s)

Na-aalala ko dati pag bell tuwing recess dagsaan na lahat ng mga estudyante sa H.E. Room (Home Economics) kung saan mayroon doong malaking oven at doon nag mumula ang mainit init pang nutri-bun. Haba ng pila makuha lamang ang rasyon na tinapay. Tapos, pag nakakuha ka ng ng tinapay, yung dala-dala mong papel ay iikutin mo ng pa triangulo at bubuhusan ito ng staff ng ‘Klim Powder Milk’. At dahil wala naman akong dalang basong panimpla sa gatas, at hindi na makahintay ng bahay, pinapapak ko na lang ito na para bang polboron.

Balik tayo sa nutri-bun. Ano nga ba ang lasa nito?

Kung makikita mo ang mga karaniwang pan de sal sa ngayon, di hamak na mas malaki ng tatlong beses ang nutri-bun. Mas malambot din ito at mas malasa, at syempre, sabi nila healthy, kaya nga nutri-bun, e.

images

Ang programa ng Nutri-bun ay inilunsad ng pamahalaan noong 1970s bilang supplementary feeding program sa mga pampublikong paaralan.

Dati, pinamahagi ito ng libre ngunit katagalan ibenenta na ito sa halagang .50 cents hanggang .75 cents. Nagtapos ang programa noong 1997.

Ikaw, anong mga ala-ala ang ibinahagi sa iyo ng nutri-bun?

Maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang magagandang alaala sa wonder bread na ito:

Advertisements

Leave a Reply