Cebuana beauty, agaw-pansin ang National Costume sa Sinulog Festival Queen

Cebuana beauty, agaw-pansin ang National Costume sa Sinulog Festival Queen

Isa sa mga highlights sa taunang Sinulog Festival sa Cebu City ay ang patimpalak sa Sinulog Festival Queen na nilalahukan ng mga nag gagandahang Cebuana.

Maliban sa titulo ng mananalo, siya rin ang magiging ‘lead dancer’ sa grand parade ng Sinulog Festival.

Agaw-pansin ang suot na national costume ng isang kandidata sa patimpalak at umani ito ng mga positibong komento mula sa mga nakamalas ng husay ng pagkakagawa ng kaniyang national costume.

Napa-‘wow’ naman ang lahat ng manonood sa presentasyon ng costume ng lahat ng kandidata noong January 17, 2018 sa SM City, Cebu ngunit nag-stood out ang ‘unique’ na kasuotan ni Isabel Dalag Luche.

Ang magandang dalaga ay nagmula sa bayan ng Daangbantayan, at suut-suot nito ang napakalaking Filipiniana gown na animo’y hagdan-hagdang palayan.

26804813_1697808233609281_5189619028860961016_n

Ang magarang kasuotan ay dinisenyo ni Mark Barry Luche at ang naging inspirasyon niya diumano sa paglikha nito ay ang ‘rice terraces’ mula sa bayan ng Argao, Cebu.

Nagalak naman ang mga netizens ng makita ang nasabing costume.

Ang highlights ng Sinulog Festival ay ang street parade kung saan makikitang sasayaw ang mananalong festival queen bilang lead dancer.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.