Ayos! Record-high ‘Excellent’ rating ang Duterte gov’t ayon sa latest SWS survey

Ayos! Record-high ‘Excellent’ rating ang Duterte gov’t ayon sa latest SWS survey

Nagtamo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng record-high ‘excellent’ net satisfactory rating mula sa nationwide Social Weather Stations (SWS) survey sa loob ng huling bahagi taong 2017.

Sa ‘poll results’ na inilabas ng SWS Meyerkules ng gabi, naungusan ng Duterte administration ang rekord na nailathala ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong Hunyo 2013.

Ang SWS Survey mula Disyembre 8 hanggang 16 ay nagsasabing 79 porsyento ng mga Pinoy ay ‘satisfied sa pamamalakad ni Pangulong Duterte at nasa 9% lamang ang hindi kumbinsido at nasa 12% ang undecided.

Ang resultang ito ay naging pinakamataas sa rekord ng net satisfactory rating ng 70% na ibinibilang ng SWS bilang ‘excellent’.

“12 points ang itinaas, mula sa very good +58 (71% satisfied, 13% dissatisfied) noong September 2017,” ayon sa SWS sa kanilang media release.

“Naungusan nito ang dating rekord ni Pangulong Aquino +66 noong Hunyo 2013,” dagdag pa ng kumpanya.

Nakita ang pagtaas sa net satisfaction scores ng pangulo sa Mindanao, Metro Manila, Luzon at ‘stable’ naman sa parte ng Visayas.

‘Excellent’ rating ang natanggap ng kasulukuyang administrasyon sa mga mamamayan mula sa class D at nagtamo naman ito ng ‘very good’ mula sa class E at ABC.

Narito ang report card ng kasalukuyang administrayon na ibinahagi ng SWS:

Very Good (+50 to +69)
Fighting terrorism – +67
Helping the poor – +66
Building and maintenance of public works – +59
Foreign relations – +55
Providing jobs – +50

Good (+30 to +49)
Reconciling with Muslim rebels – +48
Telling the truth – +47
Defending the country’s territorial rights – +46
Protecting human rights – +45
Reconciling with communist rebels – +43
Fighting crimes – +43
Eradicating graft and corruption – +42
Ensuring an efficient public transport – +42
Ensuring that no family will ever be hungry – +33
Solving the problem of extra judicial killings – +30
Ensuring that oil companies do not take advantage of oil prices – +30

Moderate (+10 to +29)
Fighting inflation – +24
Resolving the traffic problem – +23

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.