Naku! Mabahong paa ng isang lalake, naging sanhi ng pagkamatay ng mga isda sa isang Fish Spa

Pumupunta tayo sa mga spa at wellness centers upang tayo ay makapag relax at mabigyang lunas ang ating mga balat, kutis at iba pa. E, paano kung ang mabahong paa ang maging sanhi ng pagkamatay ng mga isa sa ating paboritong spa, ano ang gagawin mo?

Nangyari ito sa Beijing, China sa isang 35 taong gulang na lalake na nakilalang si Wong. Matapos ang kaniyang sesyon sa isang fish spa upang makapag relax, hindi naging maganda ang mga sumunod na tagpo dahil napatay niya ang lahat ng isda!

Paano po nagyari ito? Ang dahilan? ang kaniyang mabahong paa.

Ayon sa World of Buzz, si Wong ay nagtatrabaho sa isang IT company sa loob ng sampung taon, at dahil nag ta trabaho siya ng overtime halos araw-araw, minsan lang siya magkaroon ng oras para sa kaniyang sarili.

Nag-aalala na ang kaniyang mga magulang sa kaniya dahil sa edad niyang 35 ay single pa siya; kaya naman ipinakilala nila ito sa isang dalaga, at hindi nagtagal ay nagkamabutihan silang dalawa, at nagpaplanong magpakasal sa lalong madaling panahon.

Sa bisperas ng bagong taon, lumabas si Wong at ang kaniyang kasintahan upang pagsaluhan ang panahon nilang dalawa. Nag-enjoy sila sa ‘steamboating’ pagkatapos nagyaya ang babae sa isang fish spa. Nag-aatubili noong una si Wong ngunit nakumbinsi rin siya sa huli ng kaniyang kasintahan.

Dagling hinubad ni Wong ang kaniyang sapatos at mabilis na inilublob ang kaniyang paa sa tubig na may mga Doctor fish.

Pagkatapos ng kanilang sesyon, noon sila ay magbabayad na, nagulat siya ng malamang lahat ng isda sa tanke ay namatay at nanganoy ng todo ang tubig. Gustong pagbayarin ng manager si Wong dahil sinadya diumano nito ang pagpatay sa mga isda. Nagpaliwanag naman si Wong na hindi siya nakapaghugas ng maayos ng kaniyang paa sa loob ng sampung taon dahil naging ‘busy’ siya sa kaniyang pang- araw araw na buhay. Mabuti na lang, ay pinakawalan ng manager si Wong at hindi na pinagbayad.

Masuwerte naman si Wong dahil hindi nakipaghiwalang ang kaniyang ‘girlfriend’ ngunit nangako siyang aasikasuhin na niyan ang kaniyang ‘personal hygiene’.

Hindi kapani paniwala ang kuwentong ito ni Wong ngunit magsisilbing aral ito para sa ating lahat. Kahit pa man gaano tayo ka- ‘busy’ sa ating pang-araw-araw na buhay, kailangan din nating magkaroon ng ‘me time’ paminsan-minsan, kasama na diyan ang personal hygiene.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.