Look: Assistant to the President Bong Go, namataang tumulong sa mga biktima ng flash flood sa Davao City

Look: Assistant to the President Bong Go, namataang tumulong sa mga biktima ng flash flood sa Davao City

Biyernes ng gabi, habang papalabas na ng bansa ang Bagyong Vinta, biglang bumulaga sa mga residente ng isang barangay sa Davao ang lampas-taong baha.

Isa sa lubos na naapektuhan ay ang Jade Valley Subdivision sa Barangay Tigatto, kung saan marami-raming residente ang na-trapped sa loob ng kanilang tahanan, ang iba naman ay nagsi-akyatan sa taas ng puno ng durian.

Ayon sa mga residente, walang anumang senyales ng pagbaha, dahil kahit pa man nasa “signal number 2 ang Davao sa kasagsagan ng Typhoon Vinta, naging maaraw naman ang buong maghapon sa Davao.

Isa sa namataang tumulong sa mga residente ay si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na dagling ginamit ang kaniyang jet ski upang i-rescue at tulungan ang mga residenteng na trapped sa mga bahay sa Jade Valley Subdivision.

Dagli ding tumalima sa nasabing  barangay ang mga rescue team ng Davao City Central 911 gamit ang ilang motor boats. Dahil patuloy ang pagtaas ng tubig at mabilis ang agos nito, hindi naman nagamit ang mga rescue rubber boats sa area kaya naging pahirapan ang pagsagip sa mga biktima.

Ng dahil sa social media, mas naging madaling kumalat ang pangyayari kayat, marami ang mga Davaoe├▒eos na rumesponde sa mga biktima. Isa na rito si Special Assitant Bong Go.

Narito naman ang comment ng mga netizens sa nasabing trahedya.

Ang mga biktima ay nasa mga evacuation centers ngayon sa Davao.

For more stories, visit Archlight Online
Follow Archlight Media on Facebook

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.